GINATAANG HALO-HALO RECIPE



MGA SANGKAP:


2 tasang galapong

6 saging na saba, hiniwa-hiwa

1 tasang gata

2 tasang langka

1 kutsaritang vanilla

1 tasang sago

3 tasang kamote, hiniwa ng pakuwadrado

1 1/2 tasang asukal

2 tasang gabi, hiniwa ng pakuwadrado

1 tasang kakang gata


PARAAN NG PAGLUTO:


Paghaluin ang galapong at tubig at gumawa ng maliliit na bilog  o bilo-bilo.

Ibuhos ang gata sa isang kaserola at pakuluan.

Idagdag ang sago, kamote, at gabi. Lutuin ng 5 minuto at idagdag ang saging, langka at bilo-bilo.

Ipagpatuloy ang pagluto sa  mahinang apoy.

Hanggang lumutang ang bilo-bilo.

Ihalo ang asukal at kakang gata.

Pakuluin pa.

Ihain habang mainit.


Comments