Posts

Showing posts from August, 2019

GINATAANG HALO-HALO RECIPE

Image
MGA SANGKAP: 2 tasang galapong 6 saging na saba, hiniwa-hiwa 1 tasang gata 2 tasang langka 1 kutsaritang vanilla 1 tasang sago 3 tasang kamote, hiniwa ng pakuwadrado 1 1/2 tasang asukal 2 tasang gabi, hiniwa ng pakuwadrado 1 tasang kakang gata PARAAN NG PAGLUTO: Paghaluin ang galapong at tubig at gumawa ng maliliit na bilog  o bilo-bilo. Ibuhos ang gata sa isang kaserola at pakuluan. Idagdag ang sago, kamote, at gabi. Lutuin ng 5 minuto at idagdag ang saging, langka at bilo-bilo. Ipagpatuloy ang pagluto sa  mahinang apoy. Hanggang lumutang ang bilo-bilo. Ihalo ang asukal at kakang gata. Pakuluin pa. Ihain habang mainit.